Sa pamimili namin kanina, may booth ng "free taste" at may karatola ng Maling. Pag nakikita o naririnig ko ang salitang "Maling" ay pumapasok agad sa isip ko ang bilog na de-lata na kulay kahel at maraming sulat intsik, at ang malasa at makarne nitong laman. Kanina sa "free taste" ay may tatlong flavor silang pinapatikim: Lite, Spicy, at Garlic. Sabi ng bantay ay 75 piso daw ang halaga. Kinuha namin ang Garlic dahil para sa amin ito ang pinakamasarap. Kahit yung anak kong 3 taong gulang, tumikim ng higit pa sa isang sample (di ko alam kung dalawa o 3 beses siyang kumuha nung sample). Yung Lite ay parang matabang, at ayaw naman naming kunin yung Spicy kasi baka hindi masyadong makakain ang anak namin. Pero parang hindi siya kasing malaman o makarne gaya nung orihinal na Maling na nakakain ko mula bata pa ako hanggang sa mga panahong ito.
No comments:
Post a Comment