Wednesday, September 5, 2012

Palabok

Sa totoo lang, nalilito na ako sa dami ng klase ng palabok.  Merong Pansit Malabon, Pansit Palabok, Pansit Luglog... tapos iba-iba yung noodles - may bihon, may makapal, may malapad.  Pero ang pareho sa kanila ay yung dilaw na sarsa na nagde-define na palabok siya.
Itong palabok na nasa larawan ay inorder namin para sa kaarawan ng asawa ko noong isang taon.  Nagkakahalaga ito ng 480 piso.  Masarap naman siya, pero mas magugustuhan ko ito kung meron nung mga hiniwang dahon ng sibuyas na nagbibigay ng maliliit na berdeng kulay sa palabok.  Kahit wala nang chicharon at/o tinapa, basta meron nung dahon ng sibuyas, kumpleto na ang palabok para sa akin.

No comments:

Post a Comment