Sunday, September 30, 2012

Nissin Cup Noodles Shrimp Tempura

Ang galing nito ha, lasa nga siyang tempura!  Hinahanap ko na yung malutong na kagat nung sumusubo na ako nito.  Kumbaga, parang di siya bagay na sabaw para sa akin, kasi yung lasa na iyon, naa-associate ko na sa dry at prito na pagkain.  Ewan ko lang kung nasubukan na nilang gawin ang flavor na ito sa hindi masabaw na instant noodles, baka mas bagay sa ganun ang lasang ito.  Pero ayos din ito, it's worth a try.  Ang bili namin dito sa bulinggit na Cup Noodles na ito ay 14.75 piso.

No comments:

Post a Comment