Saturday, June 30, 2012

Korean Egg Cake

 Ito yung Korean Egg Cake na nakita namin paglabas ng Clark sa Friendship Highway.  Kahit na male-late na kami sa okasyon na pupuntahan namin, tumigil at tumabi kami dito para makabili at masubukan ito.  Matagal na naming pangarap ng asawa ko na makasubok kumain sa kahit isang Korean restaurant sa bahaging ito ng Pampanga, pero di kami magkaroon ng magandang pagkakataon.  Nang makita namin ang karatola nito, "Korean Egg Cake P100," naisip naming kahit ito na lang muna ang masubukan namin at sa ibang pagkakataon ay sana talagang makakain kami sa loob ng isa sa mga Korean restaurant doon.
 Wala akong masabi kundi "ang sarap!"  Pamilyar ang lasa niya kasi yung pinaka-tinapay niya ay parang waffle o hotcake.  Tapos pritong itlog yung palaman, pero nakadikit siya dun sa magkataklob na "tinapay na waffle."  Sa totoo lang, parang magkakasama silang pinirito, kaya sila magkakadikit.  Andun pa yung tumututong na gilid ng itlog pag piniprito yun nang sunny side up.  Sobrang pamilyar ang lasa niya, pero ito ang first time na nakatikim ako ng pagkaing ito.

4 comments:

  1. Ang mahal naman ng Korean cake na yan! Ganyan na ba presyo ng pagkain sa Pinas ngayon?

    ReplyDelete
  2. ay sorry po, P20 each po pala! my bad... naalala ko lang po kasi sinabi ko sa asawa ko worth P100 bilhin niya ^peace^

    ReplyDelete
  3. hi baka gusto niyo pong subukan yung yoogane sa may il terrazzo tomas morato quezon city. korean resto po siya. sikat at kilalang resto ito sa bansang Korea

    ReplyDelete
    Replies
    1. uy salamat sa info! :) susubukan namin yan kapag napadaan kami sa tomas morato :D

      Delete