Sunday, August 14, 2016

Fruit Bump Level 620




Sampung minuto ang oras na nakalaan para malaro ang antas na ito. Sa ngayon, huling antas na ito ng Fruit Bump. Ang tagal ko na nga hinihintay kung magkakaroon pa ng kasunod na mga antas. Nag-update ito kamakailan lang pero wala pa ring kasunod, nananatiling ito ang huling antas. Nakakasabik din ang antas na ito pero minsan nakakainip din kasi medyo mahaba pa ang oras (minsan kasi pag nakakainip na siyang laruin, pasikretong umaasa ako na maabutan na lang ako ng oras para matapos na ang laro). Medyo mahirap ituwid ang mga panandang pananong lalo na yung mga nakatago sa kabibe at kapwa nilang kahon. Mas mainam kung makakabuo ng pulang bato at idikit yun sa baso para maraming sumabog at makasingit doon sa mga nakatagong "puzzle pieces." Kapag nabasag na sila, lalabas ang mga tinatago nilang alimango na matatamaan lang kapag sila ay nakabukas. Dalawang beses sila dapat masabugan para sila ay maglaho. Ganun din ang kailangan para mawala ang mga kabibe. Ang "starfish" din ay hindi rin nawawala sa isang sabog lang. Kelangan talaga dito na madalas makabuo ng mga pampasabog.

posted from Bloggeroid

No comments:

Post a Comment