Ayan, bago namin i-eco bricks ang plastic na ito, kinuhanan ko muna ng picture na nasagutan na namin ang word search sa paketeng ito 😃 ngayong ECQ, nabili namin ito sa LazMart kasama ng iba pang grocery items. It took about 2-3 days bago madeliver, ok na rin kaysa ibang online shops na nagka-cancel after 2 weeks ng paghihintay, yung iba naman ganun mga 1-2 weeks bago nakarating.
Tuesday, May 19, 2020
Monday, February 17, 2020
Pasalubong Items from Rose & Grace
Doon namin nabili ang mga yan sa Rose & Grace Restaurant sa Sto. Tomas City, Batangas. Ayan ang mga presyo--₱50 yung "polvoron bread" (yung mukang moon), 10 piraso; ₱60 hopia, 12 piraso; ₱50 pinagong, 6 piraso. Yung polvoron bread gusto ko kasi di siya matamis pero malinamnam. Yung hopia matamis. Yung pinagong, ok lang pero may ibang pinagong na mas gusto ko ang timpla.
Ang ganda nung "pasalubong store" sa loob ng restaurant na yun kasi mukha siyang grocery ng mga pasalubong ☺️
Sunday, February 16, 2020
San Marino Premium Mackerel in Natural Oil
Baliktad yung lata kasi nasa ilalim yung easy-open tab niya. Ayan pala ang laman--tatlong pirasong isda tapos may strips ng luya.
Saturday, February 15, 2020
Friday, February 14, 2020
Wegman's Dark Chocolate with Raspberry Flavored Flakes
May nagpasalubong lang galing America. Parang wala pa akong nakitang ganitong brand ng chocolate dito sa Pilipinas.
HAPPY VALENTINE's Day 💝❤️❣️💘
Thursday, February 13, 2020
Alps Bus Name Collection
Pansin ko lang kasi parang may kanya-kanyang name ang mga bus na ito. Idadagdag ko kung ano pa ang ma-capture ko 😊
Wednesday, February 12, 2020
Olive Energy Skin Care
Bigay lang ng isang family member na galing Japan. Like ko yung concept ng cleansing oil kasi feeling ko hindi mada-dry yung skin while cleansing. Yung moisturizer walang amoy, so di ako masyado nag-aalala na may harsh chemicals na napupunta sa skin 😊
Tuesday, February 11, 2020
Goodcook Utensils
Nabili namin sa Handyman January 11, 2020. Tig-₱65 ang isa 😮☺️ Oks naman ang performance, mas magaling compared dun sa mga dati naming ginagamit na black non-stick utensils din na mga nabili lang sa supermarket.
Monday, February 10, 2020
Wednesday, January 8, 2020
Tea and Biscuit
Nasubukan ko na ito dati, pero ngayong may nagbigay sa amin nito, masusubukan ko uli ☺️. Pero di ko pa rin siya masyado ma-gets, kung bakit gustong gusto ito sa England, at talagang sinasabi nilang perfect match. May mga tea party pa ngang tinatawag, mga ganito pala ang sentro nun. Di ko ma-gets kasi parang ang tabang ng combination 😅. Pero one thing na nasiyahan ako ngayong naggaganito ako ngayon is yung I felt warmth..medyo malamig ngayon dito sa amin (sabi sa phone ko 26*C), pero nawala yung slight ginaw ko (yes maginaw na ito para sa Pilipinas, naka-shorts at sando pa rin ako sa ganitong panahon kaya medyo ginaw na ako 😅). Siguro kaya gusto rin nila ito doon sa England para mainitan sila. Hindi rin kaya nila gets yung ating perfect combination na kape at tinapay? ☺️🤓🤔
Monday, January 6, 2020
Monday, December 23, 2019
Saturday, July 20, 2019
Friday, July 19, 2019
Thursday, July 18, 2019
Wednesday, July 17, 2019
Subscribe to:
Posts (Atom)




















































