Tuesday, July 31, 2012

Halo-halo: Isdaan

Ang una kong napuntahang Isdaan noong 2007 ay yung nasa Gerona, Tarlac.  Pero itong pinuntahan namin noong Marso 2012 ay yung Isdaan sa Calauan, Laguna.  Ikalawang punta na anmin ito ng pamilya ko dahil ang una ay noong Pebrero.  Hapon na nang magpunta kami, kaya naisip namin na magaan lang ang orderin.
Kaya eto ang napili namin: Halo-halo.  Hindi naman nalalayo ang lasa nito sa ibang halo-halo.  Pero ang kinukunan talaga namin ng larawan dito ay yung kanyang presentation.  Hindi ko ata makikita sa ibang lugar ang ganitong klase ng paghain/paggayak ng halo-halo.  Buti na lang ngayon madali nang nakakakuha ng litrato, kasi kahit ang cellphone may camera.  Nanghihinayang kasi akong kainin yung nga pagkaing may magandang gayak kasi ayokong masira yung disenyo nila.  Pero pag nakunan na sila ng litrato, at least mababalik-balikan ko yung nakita kong itsura niya bago ko siya sinira at kinain.
Hindi ko alam kung may katumbas o bersyon ang halo-halo sa ibang bansa.  Hindi ko alam kung maituturing bang orihinal na pagkaing Pinoy ang halo-halo.  Nakakamangha na kapag tag-init, hindi pwedeng hindi ako makakakita ng nagbebenta ng halo-halo sa tabi-tabi.  Siguro kung mapupunta ako sa ibang bansa at subukan kong gumawa nito, hindi pa rin ako sasaya.  Para sakin, mas masayang kumain ng halo-halo sa Pilipinas.
 

No comments:

Post a Comment