Ayan napakain na naman kami sa labas. Narinig o nakita ko na dati itong Chic-Boy na ito, pero di ko maalala kung sa magazine ba, diyaryo, o telebisyon. Nang makita namin ito, na-excite kami (inabutan lang kami ng gutom sa daan, tapos gusto namin na sana makatiyempo kami ng kainan na hindi pa namin nakakainan). Mula nang mag-3 taong gulang ang anak namin, pang-3 tao ang kinukuha namin sa mga kainan. Kaya kumuha kami ng tig-iisang CB-5, CB-6, CM-3, tatlong iced tea, at isang SO-3.
Ang CB-5 ay Lechon Manok. Ito ay nagkakahalaga ng 99 piso at rice-all-you-can ito. Ang CB-6 naman ay Lechon Liempo, rice-all-you-can din ito sa halagang 125 piso. Ang mga lechon daw nila dito ay Lechon Cebu. Ang ibig sabihin nga pala ng CB ay Chibog Busog (hindi call boy :D). Yung CM-3 naman ay Breaded Chicken na nagkakahalaga ng 69 piso. Hindi ito rice-all-you-can. Ang ibig sabihin naman ng CM ay Chikito Meal. Ang SO-3 naman ay Ensaladang Mangga. Nakalimutan ko ang ibig sabihin ng SO, pero parang Side Order ata. Halagang 25 piso itong Ensaladang Mangga. Ang isang iced tea naman ay nagkakahalaga ng 20 piso. Meron din silang bottomless iced tea sa halagang 25 piso, pero hindi kami kumuha nun kasi tama na para sa amin ang tig-iisang baso (ayaw namin uminom ng marami kasi nasa kalagitnaan kami ng malayuang biyahe, baka mapaihi kami ng madalas habang nagbibiyahe). Para sa lahat ng kinain namin, ang binayaran namin ay 378 piso.
Hindi ko akalain na ang sarap nito! Yung sawsawan na kasama, suka na matamis, malapot-lapot at maanghang. Ang galing! Tapos yung ensaladang mangga, nakakagana! Tinikman ko rin yung CM-3 ng anak ko, ayos din! Ang masasabi ko sa sawsawan nung Breaded Chicken nila ay "lasang chichirya" :) Parang talagang binagay nila sa panlasa ng mga bata. Pero grabe, nabusog talaga kami. Hanggang gabi, hindi na kami nakapaghapunan ng asawa ko kasi sobrang busog pa kami sa tinanghalian naming ito. Nga pala, yung mga mesa at iba pang gayak sa kainang ito, ang lapit sa gayak ng Mang Inasal ;)
Ensaladang Mangga at Breaded Chicken |

No comments:
Post a Comment