Natanggap lang namin ito mula sa isang kamag-anak. Hindi ko alam kung sa ibang bansa niya talaga ito nabili o dito lang din sa Pilipinas. Parang nakakita na ako nito pero parang ngayon pa lang ako talaga makakatikim nito. Nakatikim na ako ng
Belgian waffle, pero sa itsura nito sa larawan sa kahon, parang malutong siya at mas matamis (di gaya ng Belgian waffle na parang malapit sa
hotcake -- malambot at di gaanong matamis).
|
may nakalarawan na butter sa kahon nito |
Masarap siya, sobrang malinamnam! Ginawa ko itong almusal isang beses, pinahiran ko ito ng
butter kasi may nakalarawan sa kahon nito na para bang iyon ang paraan ng pagkain nito. Naisip ko rin na baka nakalarawan ang mantikilyang ito ay dahil talagang nakahalo na ito sa biskwit, pero nagpahid pa rin ako ng
butter na mukha at lasang
imported din (nakalimutan ko ang tatak, basta nabili siya ng nanay ko at ngayon iyon ay nasa
refridgerator). Pagkatapos ng tatlong piraso, parang naumay na ako sa sobrang tamis at sarap! Hindi ko rin sigurado kung ganito nga ba itong kainin o baka naman dapat ilagay ito sa sorbetes?
No comments:
Post a Comment