Friday, August 17, 2012

Pringles Bangkok Grilled Chicken Wings

Gaya ng dati, gusto ko lang maalala na nakasubok na ako ng kung anumang kinuhanan ko.  Dito ay itong Pringles Bangkok Grilled Chicken Wings.  Medyo natawa lang ako kasi kailangan pa talagang may tiyak na bahagi ng manok (wings o pakpak), iniisip ko tuloy kung mag-iiba ba yung lasa ng Pringles na ito kung pitso o hita ng manok ang nakasulat dito :D
Gaya nung mga ibang flavor na sinubukan ko at naitala at naisulat ko na, hindi nawawala yung distinct flavor o yung tatak nilang lasa ng patatas ng Pringles.  Ang epekto naman nitong Bangkok Grilled Chicken Wing flavor na ito ay manamis-namis na medyo maanghang at litaw din ang lasa ng usok.

No comments:

Post a Comment