Nung una akong makakita ng "Fried Sardines" na nakasulat sa etiketa ng lata ng sardinas, di ko maisip na tuyo at walang sabaw o sarsa ang nasa loob ng lata (kasi naman, kapag sinabing "fried" o pinirito, yung itsura na kahahango pa lang sa kawali ang pumapasok sa isip ko). Pero nalaman ko rin na hindi naman pala ganoon. Kaya ata siya tinawag na Fried Sardines kasi pinirito muna yung isda, tsaka siya nilagyan ng sarsa (at least parang ganun ko siya naintindihan).
Ito nga at napabili kami nitong 555 Fried Sardines Escabeche. Kahit na alam ko nang may sarsa din naman ang mga ganitong "fried sardines" ay naaakit pa rin ako sa tunog nito. Ngayon ay binuksan ko ito para sa aming tanghalian (meron ding iba pang ulam, ipinangdagdag ko lang ito kasi konti na lang yung ibang ulam). Ayos naman kasi matamis siya, pero parang hinahanapan ko rin siya ng konti pang asim (kasi ang alam ko sa escabeche ay sweet and sour).

No comments:
Post a Comment