Nung una akong makakita ng cream cheese noon sa supermarket (di ko na maalala, siguro 10 o higit pang taong nakalipas), parang ang mahal at di maabot. Mula noon, hindi ko na pinapansin ito sa pamilihan. Nitong mga nakaraang linggo, nagka-interes ang nanay ko sa paggawa ng carrot cake, at may mga nasaliksik kami na ang pangunahing sangkap sa paggawa ng icing o ng frosting nito ay cream cheese. Nakita namin itong cream cheese na ito na nasa larawan sa isang supermarket at nagkakahalaga ito ng 129 piso. Sinubukan kong kumuha ng kaunti at ipinalaman ito sa tinapay. Talaga palang masarap ito! Pero para sa akin, ang lasa nito ay hindi nalalayo sa ating kesong puti.
No comments:
Post a Comment