Kaarawan ng nanay ko ngayong araw na ito at kaninang umaga ay nagluluto siya ng pansit. Sabi niya bumili daw ang kapatid ko ng mga karagdagang sangkap ng pansit, at parang nakaramdam ako ng kaunting "pressure" na dapat may maibigay din ako para sa kaarawan niya. Kaya lumabas kami ng asawa't anak ko at nabili namin itong Vanilla Cream Half Roll (Vanilla Cream Roll kung ito ay buo) mula sa isang panaderya. Nagkakahalaga ito ng 130 piso. Nagagandahan ako sa itsura niya, parang nakakaayang kainin. Masarap din naman ang lasa, bagamat parang nalalasahan ko ang isang mumurahing mantikilya sa icing nito. Pero sabi naman ng nanay ko, hindi naman daw niya nalalasahan yun. At mabuti naman at nasarapan siya (bihira kasi siyang mamuri ng cake na nabili).
Nagtataka nga rin pala ako na ganito ang kinalabasan ng macro shot nitong aming HP V5061u. Hindi ko alam kung isang distansiya lang gumagana ang macro shot niya. Parang nakumpara ko tuloy sa aming Kodak C433 na kahit hindi tama ang distansiya ay malinaw pa rin lumalabas ang larawan sa macro mode niya.

No comments:
Post a Comment