Thursday, December 13, 2012

Crinkles na Green

Madalas na nabibili ay tsokolate na Crinkles.  Pero nagulat ako dito sa nakita namin sa isang panaderya dito sa lugar namin - kulay berde ang crinkles!  Nakaka-curious kung anong lasa nito, kaya bumili kami ng ilang piraso.  Dalawang piso ang isang piraso nito.  Pag-uwi namin sa bahay, tinikman namin ito.  Masarap naman, matamis.  Pero kung pandan ang tinutumbok nitong lasa, parang di ko naman nalasahan na ganun.  Pero ayos lang kasi maganda naman ang pagka-lambot at texture nito.  Na-cute-an ako sa itsura, kaya di ko napigilang kuhanan ito ng larawan.

No comments:

Post a Comment