Saturday, December 22, 2012

Smoke Boracay


Ayon sa pagsasaliksik ko sa mga masasarap kainan sa Boracay, marami akong nakitang paskil tungkol sa Sizzling Bulalo sa kainan na ang pangalan ay Smoke.  Kaya nang makabalik ako dito ay hinanap namin ito ng pamilya ko.  Siyempre binili namin agad ang matunog nilang Sizzling Bulalo.
Kasama dito sa larawan ang kinuha din naming Beef Salpicao.  Ang Sizzling Bulalo ay nagkakahalaga ng 250 piso.  Ang Beef Salpicao naman ay 100 piso na may kanin na.  Kasama ang lahat ng iba pa naming in-order (inumin, kanin), ang pinagbayaran namin sa pananghalian naming ito ay 488 piso na sulit naman dahil natuwa na kami sa sarap, nabundat pa kami sa busog na para bang pwede nang hindi magmeryenda.  Dalawa ang Smoke na nakita namin dito, pero doon kami nakakain sa d'palengke (yung isa kasing nakita namin ay sa kalagitnaan ng d'mall).

No comments:

Post a Comment