Sunday, December 23, 2012

Krispy Dinuguan: Kanin Club

 
Minsan nang nabanggit sa amin ng kamag-anak ang tungkol sa Krispy Dinuguan ng Kanin Club.  Sa wakas any nagkaroon din kami ng pagkakataon na masubukan ito.  Hay grabe, nakaka-tulo-laway talaga ang linamnam nito!  Kaya pala Krispy Dinuguan ay dahil mala-tsitsaron ang laman nito.  At kung makikita sa larawan, talagang makapal ang sarsa nito.  Di gaya ng nagisnan kong dinuguan na malabnaw ang sabaw.  Ang Kanin Club na nakainan namin ay nasa Paseo de Sta. Rosa sa Lungsod ng Sta. Rosa, Laguna.

No comments:

Post a Comment