Ilang beses ko na ding nabanggit na hindi ko talaga linya ang pagluluto at parang kabaligtaran ito ng nakasanayan na kapag Nanay ay dapat magaling magluto. Apat na taon na akong nanay pero hindi pa rin ako magaling magluto. Kahit papaano ay sinisikap ko pa ring maipagluto ang pamilya, kahit mas madalas ay ang asawa ko ang nagluluto, lalo na yung mga kumplikado para sa akin gaya ng sinigang o adobo (opo, kumplikado na po ang mga iyon para sa akin, ganun ako ka-"bopols" sa pagluluto :D).
Kaya kapag namimili kami ay hindi nawawala ang corned beef o karne norte, para kapag hindi makakapagluto ang asawa ko ay may mailuluto ako. Ang ginagawa ko muna sa paggisa nito ay inuuna ko ang bawang. Kapag medyo sunog na ito ay isinusunod ko ang sibuyas. Minsan kapag may gulay na natitira sa ref na pwedeng isama dito ay isinasama ko na, gaya nitong huli na may mga nakita akong kamatis. Kapag medyo malinaw na ang sibuyas ay hinuhulog ko na ang ibang gulay. Kapag medyo mukang luto na ang gulay ay hinihulog ko na ang karne norte. Halo-halo ng konti, lagay ng kaunting asin o Maggi Magic Sarap o Aji-ginisa, halo-halo, tapos hihinaan ang apoy at tatakpan. Mga 5 minuto lang na nakatakip at mahinang apoy, tapos pinapatay ko na.
Nitong huli, Ligo Carne Norte ang nabili namin. Nakalimutan kong lagyan ng asin o Maggi Magic Sarap o Aji-ginisa. Natikman ko ito nang inuulam na namin, parang medyo natabangan ako. Yung mga huli ko kasing naluto na ibang tatak ay sobrang alat, kaya nitong huli ay nawala sa isip ko na maglagay ng mga pampalasa. Naku, ginisang corned beef na nga lang, sablay pa rin ako. Pero ayos lang naman, nakain pa rin namin at nakaraos ng isang tanghalian at isang hapunan.

No comments:
Post a Comment