Napili ko ito sa isang supermarket dahil ito na ang pinakamura sa mga kahilera nito (116 piso). Sulit naman dahil gustong gusto ito ng anak kong 4-na-taong-gulang. Masarap nga naman at malinamnam talaga. Mahilig kasi sa tinapay ang anak ko, kaya't habang nakakakita ako ng mga kakaibang palaman ay sinasamantala ko ito. Gusto ko ring masubukan ito bilang "dip," kasi nakalagay sa pabalat nito na pwede nga itong gawing ganun. Medyo namomroblema lang ako sa chichiryang idi-"dip" kasi malasa na ang mga chips na nabibili dito sa atin sa Pilipinas. Naiisip ko kasi dapat yung walang masyadong flavor o lasa ang dapat ginagamitan ng mga "dip" o sawsawan.
No comments:
Post a Comment