Nang manggaling sa Estados Unidos ang aking asawa, hindi niya makalimutan ang guacamole na sawsawan na natikman niya doon. Lahat ng napupuntahan naming supermarket ay hinahanapan namin nito, pero kami'y bigo. Gusto niyang makahanap nito dito sa Pilipinas dahil gusto niyang masubukan din namin ito.
Naisip tuloy niyang magpabili sa tiyo ko na nakakapunta sa Estados Unidos at pagkaraan din ng mahigit isang buwan ay nakarating na sa amin itong Wholly Guacamole. Tinikman namin ito, masarap nga! Gawa ito sa avocado at nalalasa ang mga timpla nitong sibuyas at bawang. Talagang kakaiba ito sa nakasanayan nang mga sawsawan ng chichirya na nabibili dito sa Pilipinas (gaya ng salsa, cheese, sour cream, atbp.).

No comments:
Post a Comment