Saturday, February 16, 2013

Chicken Pesto Pasta: Simple Treats

Inabot na naman kami ng gutom sa daan at sa pagsisikap namin na maiba tuwing kakain sa labas, nadaanan namin itong Simple Treats sa San Pablo City, Laguna.  Mahilig ako sa pesto at nakita ko agad sa menu nila itong Chicken Pesto Pasta kaya't ito agad ang kinuha ko.  Medyo nainip lang kami sa tagal ng pagdating ng pagkain, tapos meron pa kaming kasamang 4-na-taong-gulang na anak na triple ang ikli ng pasensya kumpara sa aming mag-asawa pagdating sa paghihintay.  Nasabi ko tuloy (nung hindi pa dumadating ang mga kinuha namin) na baka hindi na kami maulit dito.  Pero masarap naman itong na-order kong ito.  Pang-isang tao lang ang dami nito, at 135 piso ang presyo nito.

No comments:

Post a Comment