Monday, February 4, 2013

King's Special Almuchow: Chowking

Ito naman ang inorder ko: King's Special Almuchow.  Nung una, ito talaga ang in-order ng asawa ko, tapos sa isip ko yung Chicken Loganiza Almuchow ang kukunin ko.  Habang nasa pila ako, sabi ng asawa ko palitan ko na lang daw yung order niya ng Chicken Loganiza Almuchow.  Hangga't maaari ay pinag-i-iba-iba ko ang mga kinukuha naming putahe kapag kumakain kami sa labas para marami kaming matikman, kaya iniba ko rin ang order ko at ginawa kong King's Special Almuchow.  Nang inihain ito ay nakiusap agad ng 4-na-taong-gulang kong anak na sa kanya na lang daw itong pagkain na ito.  Sa paningin lang, ang gusto niya dito sa plato kong ito ay yung tapa.  Gusto niya talaga kasi nung binigyan ko siya nito, humingi pa siya uli ng humingi.  Kasama rin sa platong ito ay isang Chicken Longaniza at piniritong itlog.  Ang halaga nito ay 109 piso at may kasamang inumin.  Ang pinili kong inumin kasama nito ay kape.  Hmmm...sarap ng ganitong almusal!


No comments:

Post a Comment