Saturday, February 2, 2013

Sweet and Sour Pork: Chowking

Parang biglang na-miss ng asawa ko ang Almuchow ng Chowking kaya dito kami nagpunta para kumain ng almusal.  Pero sa mga larawan, sabi ng anak kong 4-na-taong-gulang, ang gusto niya ay yung may "cookies."  Napaisip ako sandali kasi di ko maisip na magkakaroon ng cookies ang mga kanin at ulam ng Chowking.  Ang tinutukoy niya pala ay yung mga prawn crackers.  Ang pinili ko para sa kanya doon sa mga larawan na may prawn crackers ay itong Sweet and Sour Pork.  Naaalala ko na noon pa man ay masarap ang ulam nilang ito.  Ngayong mas matanda na ako - ibig sabihin mas detalyado na ang pagtukoy ko sa mga pagtikim o panglasa - napagtanto ko na mas lamang ang tamis nito kaysa asim.  Ang order na ito ay nagkakahalagang 90 piso na may kasamang softdrinks.  Nagdagdag kami ng 4 na piso para maging pineapple juice ang inumin nito.

No comments:

Post a Comment