Saturday, December 24, 2016

Cookie Says... Be Kind




Meron ba talagang taong hindi "kind?" "Mabait" ang ibig sabihin niyan diba? Nung nasa mababang paaralan pa ako, uso noon ang magkaroon ng "slambook" tapos pasasagutan mo sa mga kaklase mo (hanggang sa pati yung hinahangaan mo ("crush") magsulat o sumagot na rin). Madalas na sagot sa "Describe your crush" ay iyan, MABAIT. Pero habang tumatanda ako, pabawas na rin ng pabawas ang pagkakataon na makarinig ako ng salitang yan.

posted from Bloggeroid

Friday, December 23, 2016

Cookie Says... Don't Be Sad





Tama! Lalo na ngayon, panahon ng kapaskuhan! Di ko lang alam kung yung mga Cookie Says ngayon ay may "Merry Christmas" na mensahe. Di muna kami bumibili ng mga biskwit na may palaman, dyeta! Tumaba ako sa totoo lang kakakain ng mga biskwit!

posted from Bloggeroid

Thursday, December 15, 2016

Cookie Says... You're Special





Pasensya naman at ang tagal nang di naka-"paskil" (post).

Ayan nakakuha ako ng tatlong "YOU'RE SPECIAL" pagkatapos ng mga limang (5) balot ng Cookie Says .
posted from Bloggeroid

Saturday, August 27, 2016

Cookie Says...Bright Bite?



Ano kaya ibig sabihin nun, o gustong tukuyin? Ngayon lang ako nakabasa ng pariralang yan. Wala akong napag-aralang ganyan nung nag-aral kami ng idioms/idiomatic expressions...

posted from Bloggeroid

Thursday, August 25, 2016

Cookies Say...Cookie Is Best




Dalawang beses na pala akong nakakuha ng "cookie is best" na sulat. Pero ang galing! Tig-isa sa parehong flavor!

posted from Bloggeroid

Tuesday, August 23, 2016

Cookie Says... You're Unique



Talagang nakakalakas ng loob ang mga salitang iyan. Kung isasalin ko iyan sa wikang Filipino, ang sinasabi niyan ay "Ika'y kakaiba." Pangsuporta sa mga salitang iyan ang "wala kang katulad."

posted from Bloggeroid

Monday, August 22, 2016

Cookie Says...Jump for Joy




Sa kuhang ito, nakapatong yung biskwit da avocado. Ang dami na kasing ugat ng avocado na iyan at ayokong maramdaman ang mga ugat na yun habang kumakain kaya sinabayan ko ng biskwit.

posted from Bloggeroid

Saturday, August 20, 2016

Cookie Says...Study Hard



Totoo yan! Sana maintindihan ng mga estudyante yan ngayon. Ako kasi nung estudyante pa ako, nag-sta-study hard ako pero nagpapaistorbo pa rin ako sa barkada! Nung nagkatrabaho na ako, marami pa rin palang oras para sa good time kaya pwede sana mas binawasan ko pa yung pagpapaistorbo ko sa mga gimik ng barkada para mas mataas sana ang grades na nakuha ko.

posted from Bloggeroid

Wednesday, August 17, 2016

Cookie Says...Share The Love



"Double peanut butter" daw ang biskwit na ito kasi peanut butter ang lasa ng mismong biskwit at ganun din ang palaman nito.

posted from Bloggeroid

Tuesday, August 16, 2016

Cookie Says...



Nakakatuwa naman itong biskwit na ito. Merong mababasa sa mga "mukha" nila. Minsan parehong meron pero kadalasan yung "logo" lang ng Lemon Square ang nasa kabila.

posted from Bloggeroid

Sunday, August 14, 2016

Fruit Bump Level 620




Sampung minuto ang oras na nakalaan para malaro ang antas na ito. Sa ngayon, huling antas na ito ng Fruit Bump. Ang tagal ko na nga hinihintay kung magkakaroon pa ng kasunod na mga antas. Nag-update ito kamakailan lang pero wala pa ring kasunod, nananatiling ito ang huling antas. Nakakasabik din ang antas na ito pero minsan nakakainip din kasi medyo mahaba pa ang oras (minsan kasi pag nakakainip na siyang laruin, pasikretong umaasa ako na maabutan na lang ako ng oras para matapos na ang laro). Medyo mahirap ituwid ang mga panandang pananong lalo na yung mga nakatago sa kabibe at kapwa nilang kahon. Mas mainam kung makakabuo ng pulang bato at idikit yun sa baso para maraming sumabog at makasingit doon sa mga nakatagong "puzzle pieces." Kapag nabasag na sila, lalabas ang mga tinatago nilang alimango na matatamaan lang kapag sila ay nakabukas. Dalawang beses sila dapat masabugan para sila ay maglaho. Ganun din ang kailangan para mawala ang mga kabibe. Ang "starfish" din ay hindi rin nawawala sa isang sabog lang. Kelangan talaga dito na madalas makabuo ng mga pampasabog.

posted from Bloggeroid

Saturday, August 13, 2016

Hostess Sno Balls




Para siyang Choco Mallows pero sa halip na tsokolate ang nakabalot sa kabuuan niya ay niyog. Tapos wala siyang biskwit na malutong, puro mga malambot lang. Ang tamiiis syempre.
posted from Bloggeroid

Tuesday, August 9, 2016

Fruit Bump Level 619



Gaya nung level 618, 7 minuto din ang time limit sa paglalaro nito. Kahit ilang moves o tira, pwede dito. Nakakasabik din kasi yung mga starfish basta basta na lang tumatalon, tapos yung corals palago din nang palago hanggang sa di mo na namamalayan ang sikip sikip na!


posted from Bloggeroid

Friday, August 5, 2016

Fruit Bump Level 618




Sa ngayon ito ang paborito kong level. Pitong minuto ang time limit nito. Nasasabik ako dito kasi ang daming kalaban. Gusto ko rin yung pakiramdam na marami akong napasabog lalo na kapag masikip na sa dami ng harang na yelo, sapot, at pader tapos mauubos sila sa mga pasabog.

posted from Bloggeroid

Friday, July 29, 2016

Kenny Rogers Roasters Take-out Cup






Na-cute-tan lang ako kaya naisip kong itala ito. May mga salitang nskasulat sa basong ito na may kinalaman sa inumin (hindi naman sa mismong inumin na nakalagay dito, kundi sa salitang inumin sa pangkalahatan).

posted from Bloggeroid

Wednesday, June 8, 2016

Hostess Coffee Cake





Ang sarap! Pero ang tamis din :( Ngayong mga panahong ito, mas health conscious na tayo kaya pag napapasobra ang tamis o alat ng mga pagkain, para bang ginigising nito ang kamalayan natin sa mga pwedeng maging sakit sa ating katawan.

Anyways itong cinnamon streusel na ito ay malinamnam, malambot, at natutunaw sa bibig. Sa S&R kami nakabili nito. Minsan binabagsak presyo nila itong mga produkto ng Hostess hanggang mga mahigit 100 piso. Pero kung hindi,mula higit 200 hanggang higit 300 ang presyo ng mga yan.

posted from Bloggeroid

Thursday, May 5, 2016

Ang Tatamis!


Gusto ko lang maisulat na minsan sa buhay ko/sa buhay ng pamilya namin ay bumili kami ng mga ito sa S&R. Yung may mga biskwit, parang mga 800 piso ang halaga. Ang unti naman ng laman ng bawat pakete, yung Chips Ahoy tsaka yung Oreo tig-5 piraso lang ang laman. Pati yung Ritz ata mga ganun lang din ang bilang ng laman. Yung graham di ko nabilang pero mas marami naman sa 5.

Yang Twinkies naman, gusto lang namin maranasan. Ilang beses na kasi namin nakita sa mga pelikula yan. Pero ang pakilasa ko sa kanya ay hindi na natural at para bang namamait na ito sa dami ng kemikal para lang magtagal ang buhay nito (preservatives).

posted from Bloggeroid

Tuesday, April 19, 2016

Lumpiang Presko ng Kuya J Restaurant


Masarap at kakaiba. Halos lahat ng inorder namin nung araw na yun ay masarap na putaheng pinoy pero may kurot ng lasang Thai. Pasensya na di ko kasi nailathala agad ito nung pagkatapos naming kumain para naidetalye ko kung ano yung tinutukoy kong kurot. Hindi nga lang din mura ang pagkain dito ha, babala lang.

posted from Bloggeroid

Friday, April 15, 2016

Buko Pie




Parang household name na nga ang Collete's Buko Pie dito sa Pilipinas (or at least sa Luzon). Nakakatuwa naman kasi ang dami nang mabibilhan nito. Natutuwa din ako na siksik talaga siya sa buko. Ito nga lang nabili namin, parang tumining sa tabi yung timpla (patamis) niya. Pero para sa akin ayos lang. May mga bahaging purong buko lang ang laman at lasa. Ngayong Abril 2016 namin yan nabili sa halagang halos 200 piso.

posted from Bloggeroid

Testing Uli From Bloggeroid


Minsan kumain kami ni Mister sa Kimbob sa SM City Calamba. Halos 200 pesos yang kinain naming "japchae" at "bibimbap."

posted from Bloggeroid