Monday, June 25, 2012

Boracay

 
Tatlong beses na akong nakapunta sa Boracay.  Ang unang dalawang beses ay parehong noong 2005 at ang huli ay noong 2007.  Kahit 3 beses na akong nakapunta dito, hindi pa rin ako nagsasawa.   Gusto ko pa ring pumunta doon.  Kahit ngayong may sarili na akong pamilya.
Ewan ko ba kung bakit gusto ko pa rin pumunta doon.  Kapag summer, may kulay luntian na parang lumot na bumabalot sa pampang nito.  Hindi ko talaga gusto ang "lumot" na iyon kasi nagmumukang madumi ang tubig, tapos kumakapit din yun sa balat.  Maalat din naman ang tubig, kumbaga kahit sa ibang beach ka pumunta, ganun din naman ang tubig--maalat.  Ang daming tao, kahit hindi summer, ang dami pa ring "guests."  Sa akin kasi pag sinabing beach, nakikini-kinita ko na yung mapayapang tanawin ng kalawakan ng dagat, nararamdaman ko na ang refreshing na simoy ng hangin, naririnig ko na ang katahimikan na mga alon lang ng dagat at iba pang sounds of nature lang ang maririnig mo.
Palagay ko dahil lang ito sa white sand niya.  Di ko na naalintana kung kasing-ingay siya ng Malate o Eastwood o iba pang gimikan pag gabi.  Di ko na naalintana na para din akong nasa isang mall na may sale sa dami ng tao.  Nakakatuwa talaga yung white sand, lalo na sa may Station 1 kasi mas pino ang buhangin.  Hindi ako nadidiri kung nakadikit sa balat ko ang buhangin na yon.  Ayos lang din na higaan ko yun nang walang sapin.  Siguro talagang magical lang ang buhangin ng Boracay.  Di ko pa nakita ang buhangin sa kabilang gilid ng isla (yung gilid kung nasaan ang Puka Beach, iba rin ang buhangin doon, mas magaspang at maraming shells), naku-curious tuloy ako kung pino din ba yun o magaspang.

Ngayon gusto namin pumunta doon ng pamilya ko, at natuklasan namin na pwede na palang pumunta doon sakay ng barko.  Mula sa Batangas Port, mayroong bumabyahe papuntang Caticlan araw-araw.  Gusto naming subukan yun kasi di pa ako nakakasakay ng barko, at mas mura ang pamasahe!  Walong oras ang biyahe, di na yun masama:)  Sabik na talaga ako, hinihintay na lang namin ang magandang pagkakataon kasi di basta makaalis sa opisina nang matagal ang asawa ko (mga 3 araw na hindi ipasok sa opisina, baka magalit ang mga boss :p).

No comments:

Post a Comment