Wednesday, June 27, 2012

Bundok

Sinubukan namin ng pamilya ko na pumunta sa Bangkong Kahoy nitong tag-init.  Sinadya naming tumigil at itabi ang sasakyan para lang makuha ang mga litratong ito.  Nakaka-wow talaga ang tanawin, napakalinaw ng pagkaluntian ng bundok at sobrang 3D ang dating!  Umaambon-ambon pa, kaya medyo malamig din na tamang-tama sa nakikitang hamog na bumababa dito sa tinitingnan naming bundok.  Alam kong hindi 100% na nakuha ng camera ang aktwal na nakita ko, pero kinuhanan ko sya para maalala ko na minsan sa buhay ko ay nakakita ako ng ganitong tanawin--remembrance ba :)
Nakakalungkot man pero hindi kami natuloy sa Bangkong Kahoy.  Hindi kasi masyadong patag ang daan at inabutan na kami ng ulan.  Naawa na ako sa kotse namin dahil parang 2 kilometro na kaming tumatahak sa rough road na madulas (dahil sa ulan).  Tumigil kami nang may nakita kami na parang bahay na may mga taong nagsasakay ng mga labanos sa isang jeep.  Sabi nila, mula daw sa puntong iyon ay may mahigit pang 1 kilometro ang tatahakin--na mas malala pa sa dinaanan namin--bago makarating sa Bangkong Kahoy.  Nagpasya kaming wag nang tumuloy dahil nga nakakaawa na ang kotse namin (hindi na rin naman ito masyadong bago).  Gusto pa rin naming bumalik at marating ang Bangkong Kahoy balang araw, pero dapat all-terrain 4x4 na ang sasakyan namin.

No comments:

Post a Comment