Nadaanan namin ito sa Bulacan. Nakita ko agad ito kahit malayo pa lang. Hindi naman ako tagahanga/fan ng Louis Vuitton pero naagaw ng bahay na ito ang atensyon ko. Humanga ako na napapinturahan o nadidikitan ng ganitong wall paper ang isang bahay.
Hindi masyadong maganda ang pagkakakuha ko sa larawang ito dahil nasa loob ako ng tumatakbong sasakyan. Mabait ang asawa ko dahil medyo binagalan niya ang pagpapatakbo para makuhanan ko ng larawan ang bahay na ito. Tuloy may ilang katanungang tumakbo sa isip ko:
1. Magkano kaya magpapintura ng ganito?
2. Meron kayang ibang disenyo gaya ng Fendi, Gucci, Burberry, etc.?
3. Ito pa lang kaya ang may ganitong disenyo ng bahay sa buong Pilipinas, o meron na ring iba?
4. Bakit kaya sa lahat ng disenyo, ito pa ang napili ng may-ari na ipapintura sa bahay niya?
5. Nagtrabaho kaya siya sa LV?
Kahit na hindi ako fan ng LV, natutuwa ako sa pagkakakita ko sa bahay na ito. Kung ako siguro magpapapintura ng sarili kong bahay, ayos lang din magpapintura ng may ganitong klaseng disenyo--siguro pwedeng Quicksilver, Roxy, o Billabong. Kaya lang, ligal kaya iyon?

No comments:
Post a Comment