Nung kumain kami sa PatisTito Garden Cafe, ang mga inumin na kinuha namin ay Pandan Iced Tea at Lemongrass Kalamansi Tea.
Refreshing para sa akin yung Lemongrass Kalamansi Tea, ngayon lang ako nakatikim ng pinaghalong lemongrass at kalamansi, kahit pareho kaming may tanim ng mga iyan sa bakuran namin. Yung anak kong 3 taong gulang, mas nagustuhan yung pandan iced tea.
Kumuha din kami ng brewed pandan coffee. Akala ko nung una ko itong narinig ay gawa sa pandan ang kape. Sabi ng asawa ko, yung tubig na ginamit dito ay pinakuluan sa dahon ng pandan, kaya ito tinawag na pandan coffee. Nakaka-curious kung ano ang lasa ng pinaghalong pandan at kape. Kung sa bagay, meron na rin akong mga nasubukan na kapeng may halong di-ko-akalain, gaya nung peach latte sa Figaro. Pero itong brewed pandan coffee, kakaiba. Talagang pakiramdam ko ay malayo ako sa stress ng siyudad.

No comments:
Post a Comment