Bentang-benta sa pamilya ko itong Gardenia Cream Roll. Minsan sa mga supermarket may iba-iba silang promo araw-araw. Minsan may buy 1 take 1 ng tasty bread nila. Minsan naman mga naka-bundle yung tasty nila sa kung anong tinapay nila na may flavor. Ito yung isa naming natyempuhan - limang iba-ibang klaseng Cream Roll sa halagang 50 piso.
Nung una ko itong nakita, siguro mga 4 na taon nang nakakaraan, medyo naalangan ako kasi ang palaman ng tinapay ay cream na matamis. Sanay kasi ako na medyo maalat gaya ng keso, mantikilya, karne..kung sa bagay yung coco jam nga at kondensada matatamis din naman. Pero cream? Parang sa cake ko lang naiisip na bagay ang ganun. Parang yung ice cream na ipinapalaman sa tinapay ng hamburger, naalangan din ako noon nung di pa ako nakasubok.
Pinag-isipan ko ding mabuti kung kukunin ko nga itong pakete ng promo na ito. Banda huli, kinuha ko na rin kasi kung 50 piso lang ito, lumalabas parang 10 piso lang yung isang Cream Roll. Sa tingin ko nakamura na ako, kasi mahigit 10 piso ang halaga ng isa kung bibilhin yun ng hiwa-hiwalay.

No comments:
Post a Comment