Thursday, July 5, 2012

Yet Another Hotdog Sandwich

Isa ulit ito sa mga sinubukan ko -- hotdog sandwich na may chili con carneCheezee Squeeze ang dilaw na iyan sa ibabaw ng chili con carne.  Dito ko lang napagtanto na dapat talaga ay jumbo hotdog ang ginagamit sa ganitong hotdog sandwich.  Pasensya naman, konti lang ata ang sentido komon ko pagdating sa pagluluto ;)
Buti na lang nasubukan namin ito.  Ngayon nadagdagan na ang snack ideas ng aking pamilya.  Nasubukan namin ito dahil nag-buy one take one ang isang imported na chili con carne sa pinamimilihan naming supermarket.  Sa totoo lang, ngayon lang ako nakasubok ng chili con carne sa bahay.  Sa mga kainan lang sa labas ako nakakasubok kumain niyan.  Ngayon ko lang din nalaman na may nabibili palang de-lata at ready-to-eat nang chili con carne ;)

No comments:

Post a Comment