Minsan pumunta ang nanay ko kasama ang kapatid ko sa isang lawa para bumili ng sariwang tahong at hipon. Hindi ko alam na may hipon pala sa matabang na tubig, akala ko kasi sa tubig-alat lang nabubuhay ang hipon.
Inuwi nila nang buhay ang mga tahong at hipon. Kita kong lumalangoy-langoy pa ang mga hipon sa palangganang may tubig na pinaglagyan sa mga ito ng nanay ko. Meron pang tumatalon at nakakalabas ng palanggana.
Maya-maya ay niluto na ng nanay ko ang mga hipon. Huhugasan ko na ang mga ginamit niya nang makita kong may isa pang gumagalaw-galaw na hipon sa palangganang wala nang tubig. Kinuha ito ng kapatid ko at inilagay sa aquarium namin na may mga isdang molly. Inisip ko noon kung mabubuhay nga ba ito sa aquarium na ito.
Ngayon ay mahigit isang buwan na dito ang hipon na ito. Makikita sa larawan na nakatago ito sa ilalim ng bato, kung saan ko siya madalas makita. Mula nung tumira siya dito, tatlong isda na ang namatay. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ang hipon sa mga kamatayang iyon, o naaagawan niya ba ng pagkain ang mga iyon at namatay sila sa gutom, o nagkataon lang.

No comments:
Post a Comment