Kung saan ako nakatira ngayon ay bawal ang plastik -- yung "sando bags" na tinatawag nating mga pinoy. Kapag namimili ang nanay ko sa palengke, kailangan may dala siyang sariling basket o kahit anong paglalagyan ng pinamili niya. Kung walang dalang lalagyan, mapapabili ka ng bayong, "eco bag," supot na sako, o kahit ano pang binebenta nila para mabitbit ang pinamili mo. Pwede lang ang plastik kung basa ang bibitbitin.
Pagkaraan ng mahigit isang taon ay nakabalik ako sa Sonya's Garden. Nanibago ako nang matanggap ko ang sando bag na pinaglagyan ng binili kong pan de coco at cheese hopia, matagal-tagal na rin akong hindi nakabitbit ng sando bag. Kinunan ko ng larawan ang sando bag na "eco-friendly" naman pala. Sana dati pa ginamit ang ganito sa Pilipinas para di na nagbabara sa mga basurahan at kung saan-saan ng sa gayon ay naiwasan ang mga pagbaha. Bata pa lang ako ay nag-aalala na ako para sa kalikasan, kaya kung anumang kaya kong gawin para sagipin ito, sinisikap kong gawin; gaya ng pagtitipid sa tubig at pagre-recycle ng mga bagay-bagay.
At nung araw nga na nakabalik ako sa Sonya's Garden, ang bagong lutong mga tinapay sa panaderya ay ang pan de coco at cheese hopia. Nagulat ako pagkuha ko ng pan de coco mula sa basket nila kasi ang bigat para sa sampung piraso! Yung cheese hopia naman, naging paborito ko na mula nung nakatikim ako nun. Ang bili ko sa isang balot ng pan de coco at isang balot ng cheese hopia na may tig-10 piraso ay 220 piso. Galing talaga ng mga tinapay nila, walang katulad :)

No comments:
Post a Comment