Minsan kapag may oras kami pumupunta kami sa libingan (memorial park) kung saan nakalibing ang tatay ko at nakatambay lang kami doon. Parang parke na ito para sa amin. Isang beses ay di ko mapigilang kuhanan ng larawan ang langit na hinahabol ang lumulubog na araw. Kahit hindi ito kasing ganda ng nakita ng naked eye ko, kinunan ko pa rin ito ng litrato sa cellphone ko kasi parang relaxing ang eksenang ito para sa akin.
No comments:
Post a Comment