Minsan noong 2 at kalahating taong gulang ang anak ko, binigyan ko siya ng biskwit. Meron akong ginawang gawaing bahay at pagbalik ko sa kanya para kumustahin siya sa binigay kong biskwit, ito ang nakita kong eksena (sa larawan). Inayos niya ang mga biskwit sa ganitong paraan! Medyo nagulat ako kasi sa edad niyang yon, kaya na niya palang gawin ito. Hindi pa siya pumapasok sa paaralan niyan (hanggang ngayon na malapit na siyang mag-4 na taong gulang). Kinuhanan ko ng larawan para maitala ko ang nagawa ng anak ko sa edad niyang iyan.
No comments:
Post a Comment