Thursday, February 7, 2013

BBQ Shredder: KFC

Ito naman ang kinuha ko, ang KFC BBQ Shredder.  Ito na ata ang pinakabago nilang produkto, at tumatatak din ang patalastas nito sa akin, kasi si "Wilson" ng "Be Careful With My Heart" ang artista dito.  Nakalimutan ko lang kung karneng baboy o karneng manok nga ba ito (himay na ito na nakapalaman), pero masarap siya kasi talab na talab yung manamis-namis na sarsa nito.  Nalalasa din ang usok, na dapat talaga ay taglay niya dahil nga BBQ o barbecue - ibig sabihin, inihaw.  May gulay din ito na nakakapagdagdag ng refreshing na lasa, tapos may taco chips na nagbibigay naman ng lutong sa kagat.  Ang bili namin dito ay 85 piso na may kasamang inumin at fries.

No comments:

Post a Comment