Wednesday, February 6, 2013

Pizza Twister: KFC

Na-curious o nakalimutan na ng asawa ko kung ano nga ba ang lasa nung Twister ng KFC.  Ang nakapaskil pa doon ay Pizza Twister, kaya't lalo pa kaming na-curious.  Dati nang may  Twister pero matagal-tagal na kaming hindi nakakain nito.
Napapalitan ang side dish na kasama sa set o meal ng Pizza Twister na ito.  Pinili ng asawa ko ay Coleslaw.  May kasama ding inumin ang meal na ito, at 115 piso ang presyo ng buong meal na iyan.
Parang pumayat o lumiit din ito kumpara sa huling kinain kong ganito ilang taon na ang nakalilipas.  Pero masarap pa rin naman ang lasa nung manok na palaman nito.  Lasang pizza nga!  May pepperoni pang nakaipit din sa loob.

No comments:

Post a Comment