Wednesday, February 13, 2013

Chick n' Chips: Shakey's

Ito yung isa sa mga kasama sa "family meal" na kinuha namin - limang pirasong pinirito na mga piyesa ng manok at Mojo Potatoes.  Maalat pa rin ang timpla, gaya nung una akong makatikim nito lampas 10 taon na ang nakakaraan.  Kapag nalulunok ko ang maalat na balat ng manok o yung Mojo nila ay parang nararamdaman kong nagrereklamo ang pantog ko (sa isip ko kasi habang nilulunok ko ang alat ay magkakasakit ako sa bato).  Bakit nga ba hindi nila binawasan ang alat nito?  Pero bakit din ang sarap kainin kahit ganito ito kaalat?

No comments:

Post a Comment