Tuesday, February 12, 2013

Iced Tea Pitcher: Shakey's

Pumunta kami sa Shakey's isang hapon.  Ang kinuha namin ay isa sa kanilang "Family Meals."  Nakalimutan ko na ang eksaktong pangalan ng kumbinasyon na iyon pero ang mga kasama ay isang pitsel o 1 pitcher ng kanilang Iced Tea, isang large na Manager's Choice Pizza (pwede raw palitan ng ibang flavor na mapipili ng panauhin), Chik n' Chips o yung limang piraso ng iba-ibang pyesa ng pritong manok at Mojo Potatoes, at Spaghetti Platter o isang bandehado ng spaghetti.  Ang halaga nito ay 985 piso at nakalagay doon sa kanilang menu na ito ay pang-5 hanggang anim na tao.  Mahigit isang libong piso din ang pinagbayaran namin dahil meron silang service charge.

No comments:

Post a Comment