Thursday, February 21, 2013

Chicken Sausage Pancake: Jollibee

Dati hindi ko maisip na pwede palang sabayan ng ulam ang pancake.  Para sa akin, panalo itong ginawang ito ng Jollibee.  Kinuha namin ito para sa 4-na-taong-gulang naming anak, at nagustuhan niya!  Talagang pinagsasabay niya sa loob ng bibig niya ang "hotdog" (yun yung tawag niya dito sa Chicken Sausage na ito, pero parang sa lahat ng parang medyo kamukha ng hotdog ay hotdog na nga ang itinatawag niya) at yung pancake na pinahiran ng "cream" (para kasing butter-flavored cream ang ibinibigay ng Jollibee para dito) at maple syrup.  Ang bili namin dito ay 65 piso na may kasama nang inumin.

No comments:

Post a Comment