Friday, February 22, 2013

Grilled Pork Tenders Breakfast Meal: Jollibee

Ngayon ko lang nakita na ginawa ito ng Jollibee para sa kanilang almusal.  Ito ang kinuha ko para masubukan.  Masarap naman, para akong kumakain ng tapsilog (o parang mas malapit sa tocilog kasi manamis-namis yung timpla nila ng Grilled Pork Tenders).  Ang presyo nito ay 89 piso na may kasama nang inumin.  Panalo ito nang kinain ko kasama ang kape, para sa akin kapag ganito ang almusal ko ay magiging maganda ang buong araw ko.

No comments:

Post a Comment