Wednesday, February 27, 2013

Colgate Featuring Spongebob

Mayroon kaming kamag-anak na nagbigay sa amin nitong toothpaste na ito, maraming piraso.  Maliit lamang ito, at sa wari ko ay nabibili nila ito sa Estados Unidos nang maramihan.  Sabi nga nila parang dito lang sa Pilipinas nakakabili ng tingi, dahil halos sa lahat ng ibang lugar ay binibili nila ang mga kailangan nila sa grocery nang bulto at maramihan kasi sa ganoong paraan lang nila nabibili ang mga bilihin.  Samantalang dito sa Pilipinas, nakakabili na ng tingi, may mga sari-sari store pa na mas pinaliliit pa ang sadyang naka-tingi na.  Itong toothpaste na ito ay gustong gusto ng anak kong 4-na-taong-gulang.  Tsaka talagang ginawa ito para sa bata at hindi maanghang.  Bubble Fruit ang tawag nila sa flavor nito.

No comments:

Post a Comment