Tuesday, February 26, 2013

Summer Vanillas Body Lotion by Bath & Body Works

Maraming iba pang variety ang Summer Vanillas ng Bath & Body Works pero nakuha ko itong Coconut.  Hindi gusto ng asawa ko ang amoy nito.  Kabaligtaran naman ako.  Noon hindi ko rin gusto ang amoy (at lasa) ng niyog, pero ngayon ay nag-mature na siguro ako at ayos na ito sa akin.  Kapag ginagamit ko ito ay talagang nangangamoy ang buong kwarto at sa mga nadadaanan ko ay naiiwan ang amoy nito.  Minsan akala ng mga nakakaamoy na nagpabango ako.  Parang amoy summer o tag-init nga ito, kung kailan masarap mag-outing sa mga languyan, mapa-beach pa yan o swimming pool.

No comments:

Post a Comment