Monday, February 11, 2013

Melliwel in Pangil

Narinig ng isang kamag-anak namin sa Radyo Veritas ang tungkol sa Melliwel Carbo Vegetalis na isang gamot na herbal o gawa sa mga natural na halaman.  Narinig niya na may pwesto sila ng panggagamot sa Pangil, Laguna.  Pumunta kami at nang magtanong-tanong kami doon para malaman ang daan patungo sa "bundok" na gusto naming puntahan ay walang nakakaalam kung nasaan ito.  Kinutuban lang kami doon sa isang makipot na daan na paakyat sa tabi ng highway.  Pumasok kami at itinuloy-tuloy ang pag-akyat.  Habang daan ay may nakikita kaming mga taong nakaputi na nagtitiyaga talagang maglakad paakyat.  Hindi kami tumigil hangga't may nakikita kaming mga taong naglalakad, at sa may halos tuktok na nga ay sa wakas nakita namin na mayroon ngang pinatunguhan ang mataas na inakyat namin.
Heto nga at kinuhanan ko ng larawan ang tanawin mula sa itaas na ito ng Pangil.  Nakilala namin dito si Dra. Mel na siyang nagsaliksik at nagsagawa ng Melliwel Carbo Vegetalis.

No comments:

Post a Comment