Friday, May 23, 2014

Bahaghari (Pebrero 2014)

Nakapagpaskil na ako noon ng larawan din ng bahaghari, pero ang isang ito ay nakunan ko noong Pebrero 16, 2014 sa isang bahagi ng Calauan, Laguna.  Bihira lang ako makakita ng matingkad na bahaghari.  Madalas kasing nakikita ko ay medyo malabo.  Kaya nang makita ko ito na mas malinaw kaysa sa mga dati ko nang nakikitang bahaghari, di ko napigilang kunan ito ng litrato.   Tumatakbo ang sasakyan habang kinukunan ko ito at sakto namang napatapat sa poste ng kuryente nang makuha ang larawan.  Mas malinaw pa ito sa aktwal, di makuha ng camera ang eksaktong itsura na nakita ng mata ko.

No comments:

Post a Comment