Saturday, May 24, 2014

Bulldog

Hindi ako naku-cute-tan sa Bulldog.  Yung Labrador o Golden Retriever, yun talaga yung aso na pag nakita ko, gusto kong yakapin.
Pero pangalawa lang yun kasi ang pinakagusto ko talagang aso ay Aspin o asong pinoy.
Pangatlo na lang siguro yung Siberian Husky, tapos Jack Russel Terrier.  Kaya lang parang yung Jack Russel Terrier nung kapitbahay namin, nangangagat at nangsisira ng gamit, parang "minus points" naman yun para sa akin.
Tapos nakita ko ito sa palabas na Barter Kings sa Bio Channel - isang tuta na Bulldog!  Hindi ko nga lang narinig kung British o American Bulldog iyon.  Pero na-cute-tan ako sa kanya!  Hindi ko mapigilang kumuha ng larawan sa telebisyon namin.
Ang dami ko ngang kuha eh kasi di ko matyempuhan yung naka-close up yung tuta, kung saan ang cute-cute niya talaga!

Sabi dito sa palabas, ang halaga ng tutang yun ay $2000.  Grabe ang mahala pala nun.







No comments:

Post a Comment